SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Sunday, June 6, 2010

"Momay" Welcomes Ejay Falcon and Queenie Padilla: The New Loveteam on Primetime Bida

Ipinakikilala ng ABS-CBN ang pinakabagong tambalang susubaybayan ng bawat manonood � ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus Big Winner na si Ejay Falcon at ang anak ng Bad Boy of Philippine Movies (Robin Padilla) na si Queenie Padilla. Simula ngayong linggo, mabibigay kilig ang dalawa sa high-rating series na "Momay".



Si Ejay ay naging bahagi ng dalawang matagumpay na weekday teleserye sa ABS-CBN, ang 'Katorse' at 'Tanging Yaman'. Sa pagpasok niya sa panibagong genre, ibubuhos niya ang husay at magdadagdag pa ng kakaibang atake sa pag-arte para sa kanyang pinakabagong proyekto. "Mas pambata kasi itong �Momay�. Hindi katulad ng Katorse at Tanging Yaman na seryoso talaga ang plot. Kaya iba rin po ang atake ng pagarte ko po rito," pagbabahagi ni Ejay.

Matapos maitambal kay Erich Gonzales, hindi maitago ni Ejay ang kanyang pananabik sa bagong kapareha na si Queenie. "Nakakatuwa po kasama si Queenie sa set. Madali pong kausap at lapitan. Kaya po kapag may eksena kami, �di na po ganun kahirap mag-adjust," pagtatapat ni Ejay.

Magkahalong kaba at saya naman ang nararamdaman ni Queenie para sa kanyang pinakamalaking break sa telebisyon. "Excited po ako at kinakabahan. May konting pressure rin siyempre kasi nakakabit sa akin ang name ng dad ko. But I�m really enjoying the experience. The cast members are kind enough to give me tips on acting," paliwanag ng panganay na anak ni Robin at Liezl Sicangco.

Samantala, laking galak ni Xyriel Manabat na lead child actress ng Momay, sa napakagandang feedback na natanggap nito para sa kanilang pilot episode. "Masaya po ako at nagpapasalamat sa mga tao na nanonood po ng Momay. Kung paano po nila ako sinuportahan sa Agua Bendita, ganun din po pagsupport nila dito po sa bagong show namin," paglalahad ng anim na taong gulang na child wonder.

Makisaya sa cutest ghost sa primetime na si Momay na sasamahan ni Ejay at Queenie sa kanyang adventures, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol, dito lang sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment