After more than 2 decades, magpapaalam temporarily ang weekly program na nagsimula ng investigative journalism sa history ng Philippine television.
Nagsimulang mag-investigate sa pinakaimportanteng issue at personalities sa Pilipinas ang "Probe" noong panahon ni former President Corazon "Cory" Aquino. At sa last episode ng programa, sisiyasatin ni Cheche Lazaro ang naging lakbay patungong Malaca�ang Palace ng anak ni Cory na si President-elect Noynoy Aquino at sa kaniyang preparation sa pagupo mula sa kanyang campaign manager and future budget secretary Butch Abad, incoming presidential spokesperson Edwin Lacierda, and the Aquino sisters.
Under the leadership of its main anchor na si Cheche, nakilala ang Probe sa pag-angat sa mga news and public affairs programs dahil sa credibility, courage at intensive reporting nito at dahil na rin sa pagbibigay ng isang world-class na production, mula "Probe" noong 1986 hanggat maging "The Probe Team," "The Probe Team Documentaries," "Probe"� uli sa pagbabalik nito sa ABS-CBN, at sa wakas, "Probe Profiles."
Nagbago-bago man ang title at home network nito sa loob ng 24 years, hindi naman nagbago ang paninidigan ng programa na handang i-question ang mga irregularities ng government at lipunan, ilahad ang kuwento ng mga kalamidad mula Mt. Pinatubo eruption hanggang Ondoy, at itampok ang mga suliranin at isyu sa lipunan nang hindi lumilihis sa mga pamantayan ng pamamahayag.
Habang patuloy na nadadagdagan ang may 40 recognitions na nakuha ng Probe, patuloy ding umaangat si Lazaro bilang isang institution sa larangan ng broadcasting. Ilan pa sa mga batikang broadcast journalists na naging part ng Probe ay sina Karen Davila, Bernadette Sembrano, Pinky Webb, Twink Macaraig, David Celdran, Tony Velasquez, at si ABS-CBN Head of News Current Affairs Maria Ressa, na kasama ni Lazaro at ng dalawa pang broadcast journalists sa pagtatatag ng Probe noong 1986.
Sabi pa ni Cheche, patuloy ang Probe Productions Inc. sa paggawa ng mga proyekto at maaaring magbalik pa sa telebisyon. Kasalukuyan namang anchor si Cheche sa "Media in Focus" sa ANC, the ABS-CBN News Channel.
Panoorin ang last episode ng "Probe Profiles," on June 30, Wednesday, pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.
No comments:
Post a Comment