SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Monday, June 28, 2010

Newscasts Meet New Technology in "TV Patrol" and "Bandila"

Magsasanib pwersa ang pinakasariwang mga balita at modern technology sa mas pinaigting na pamamahayag hatid ng bagong "TV Patrol" at "Bandila" starting this Wednesday, June 30, sa ABS-CBN.



Kasama ang pinagkakapitagang ABS-CBN news anchors at reporters, alamin ang pinakasariwang mga balita sa loob at labas ng bansa sa dalawang pinaka-pinagkakatiwalaang newscasts sa bansa sa tulong ng makabagong augmented reality at touch screen technologies na unang ginamit sa matagumpay na "Halalan 2010" election coverage noong Mayo 10.

Mas bubulatlatin ng anchors na sina Ted Failon, Karen Davila, at Julius Babao sa bagong "TV Patrol," ang mahahalagang isyu sa paghahatid ng mas maraming investigative reports, mas malalim na pagtalakay sa mga isyung politikal ni Lynda Jumilla, at panibagong segments tulad ng Sports Patrol.

Mas pag-iibayuhin din nito ang serbisyong publiko sa pamamagitan ng espesyal na mga public service segment sa programa at pagbuo ng isang public service center.

Isusulong ng ABS-CBN News ang public service sa bagong segment na "Lingkod Kapamilya" at balak nilang itaguyod ang isang public service center.

Maging ordinaryong manonood ay maari ring mag-ambag ng sarili nilang ulat sa kakalunsad na "Bayan Mo, iPatrol Mo" na hindi lamang nananawagan ng atensyon ng kinauukulan kung hindi naghahain din ng konkretong solusyon sa suliranin.

Samantala, malaking pagbabago rin ang ihahatid ng late night newscast na "Bandila" kasama ang anchors na sina Henry Omaga Diaz at Ces Orena Drilon. Mas malalim na pagbusisi ang hatid ng programa sa mga paksa tulad ng consumerism na iuulat ni Alvin Elchico at malalim na talakayan tungkol sa pulitika na ihahatid ni Lynda Jumilla.

Huwag palalampasin ang bagong "TV Patrol" at "Bandila" this Wednesday sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment