SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Friday, March 18, 2011

The Killer of George Wong Will Be Revealed Tonight on Babaeng Hampaslupa


Hindi dapat palagpasin ang episode ng Babaeng Hampaslupa ngayong gabi, Marso 18, dahil masasaksihan ang makatotohanang pag-aaway nina Bing Loyzaga at Alice Dixson bilang Katarina at Anastacia, na talagang ginawa nilang tunay na sampalan at suguran para maging natural at madamdamin ang eksena.

Magaganap din ang pinakahihintay na rebelasyon sa kung sino talaga ang misteryosong bumaril kay George Wong (Freddie Webb). Kung nakihula ka at sumali sa text promo, manood ka na at malalaman mo kung tama ang naging sagot mo. Sa nakaraang episode ay hinuli na si William (Christian Vasquez), pero siya nga ba talaga ang bumaril kay George Wong?

Naka-abang ang lahat sa mga susunod na magaganap sa Babaeng Hampaslupa, lalong-lalo na sa nananatiling misteryo sa katauhan ng bumaril kay George Wong (Freddie Webb), sa pamumukadkad ng samahan nina Charles (Jay Manalo) at Anastacia (Alice Dixson), sa napipintong paghihiganti ni Katarina (Bing Loyzaga), at sa mas tumitinding na paghaharap nina Helena See (Susan Roces) at Edward Wong (Eddie Garcia) upang madesisyunan ang kaso.

Pakatutukan ang mas umiinit at umaatikabong eksena na paniguradong puno ng mga makapigil-hiningang kaganapan. Wag kaliligtaang panoorin ang kaabang-abang na mangyayari ngayong gabi sa Babaeng Hampaslupa, pagkatapos ng Willing Willie sa TV5!


No comments:

Post a Comment