SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Sunday, May 25, 2008

LUCIDA DS Glutathione Owners to Sue Newscaster KORINA SANCHEZ for Libel

Dahil sa report ni Korina Sanchez sa The World Tonight, ANC (ABS-CBN News Channel), Bandila, at TV Patrol na nandaya diumano ng sangkap na glutathione ang mga produkto ng United Shelter Health Products na Lucida DS Glutathione (na ini-endorse nina Gabby Concepcion at Sen. Loren Legarda) at Vaniderm (na ini-endorso naman nina Toni Gonzaga at Maui Taylor)—nagbabanta ang Senior Vice President ng naturang kumpanya na si Ms. Maribel Galindez na magdedemanda sila ng kasong libel laban kay Korina sa susunod na linggo.

Ayon sa report ni Korina, sa halip na 500 mg, diumano'y 4.4 mg lang ang glutathione content ng Lucida DS at 5.4 mg naman ang sa Vaniderm. Pinasinungalingan ito ni Ms. Galindez.

Ayon pa kay Ms. Galindez, hindi lang sa iisang lugar nila balak magsampa ng demanda. Sasama rin sa pagdedemanda ang kanyang business partners. "Sasampahan namin next week si Korina sa Polomolok, Davao. Ganoon din ang mga business partner ko sa Iloilo, GenSan [General Santos City], Cagayan De Oro, Cebu, Iligan, Koronadal, Zamboanga. Lahat po nationwide."

Balak din daw nilang sampahan ng demanda si Korina sa Malaysia, Dubai at sa U.S. kung saan may mga distributors ang United Shelter Health Products.

Naglabas na nga ng official statement ang nasabing kumpanya sa ilang broadsheets at tabloids hinggil sa anila'y maling report ni Korina.

Balak din nilang gumawa ng posters na nakalagay ang official statement ng kanilang paglilinaw at larawan ni Gabby na ididikit sa mga botika para mabasa rin ng mga tao.

Dahil dito, mukhang hindi na rin itutuloy ng naturang kumpanya na maglagay ng commercial ng kanilang mga produkto sa ABS-CBN 2.

Kung hindi mareresolba ang gusot na ito, apektado rin ang ipalalabas na serye si Gabby with Claudine Barretto na Iisa Pa Lamang dahil malaking bagay ang TV commercial ng Lucida para sa programa.

Next week, may surprise visit din sa isang ahensya si Ms. Galindez at si Gabby para kumuha ng document support na hindi peke ang naturang produkto.

No comments:

Post a Comment