SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Friday, May 16, 2008

Fil-Am Singer JASMINE VILLEGAS Brings Significant Talent to Philippine Showbiz

Sino ang mag-aakalang ang 14-year-old Fil-Am na si Jasmine Villegas ay isa palang mahusay na singer? Jasmine stands only 4' 11" and weighs 90 pounds, pero kapag umawit na siya ay marami siyang tataluning mas established female singers.

Mula sa San Jose, California, marami nang pinahanga si Jasmine sa maraming cities sa U.S. bilang paghahanda para sa isang matagumpay na singing career.

Inihahalintulad ang vocal range and sound ni Jasmine sa mga diva na sina Alicia Keys at Whitney Houston. At kagulat-gulat na hindi kumuha ng formal voice lessons si Jasmine, pero ang kanyang natural vocal flair ay patuloy na nahahasa habang pinagbubuti niya ang napili niyang larangan—ang mundo ng musika.

Isang programa sa telebisyon ang inihahanda para kay Jasmine na home-schooled mula pa sa ikatlong baitang ng elementarya. Naniniwala ang mga taong malapit kay Jasmine—na ang pagkakakilala ng marami ay "an angel with an old soul"—na higit na malayo pa ang mararating ni Jasmine, hindi lamang dahil sa kanyang boses kundi pati na rin sa kanyang angking karisma.

Ang ilan sa mga maipagmamalaking performances ni Jasmine ay ang partisipasyon niya sa mga sumusunod na events: ang pagkanta ng National Anthem ng Amerika sa laro ng Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, Miami Heat, Sacramento Kings, Anaheim Angels, Los Angeles Dodgers, Los Angeles Kings, Golden State Warriors, pati na rin sa mga labanang Winky Wright vs Jermain Taylor boxing fight, Paul Williams vs Antonio Margarito boxing fight, the PGA Tour.

Siya rin ang umawit ng "Star Spangled Banner" sa huling laban ni Manny Pacquiao versus Juan Manuel Marquez sa Las Vegas kung saan napanood siya nang live sa PPV ng mahigit 100 million viewers.

Labing-isang taon lamang si Jasmine ay nagtu-tour na siya at mahigit 200 shows na ang nagawa niya sa nakaraang labinwalong buwan.

Nakapag-perform na siya para sa mga educational school assembly programs sa iba't ibang dako ng Amerika. Nag-alay rin siya ng kanyang serbisyo sa pamamagitan ng kanyang talento sa mga children's non-profit organizations tulad ng Big Brother Big Sisters, Boys and Girls Club of America, Special Olympics, at ang Aspira Foster Care.

Ang kanyang mga pangarap at talento ay naghatid na rin kay Jasmine sa iba pang aspeto ng sining, tulad ng pagmu-modelo

May mga print advertisements na siya para sa Target National, Mary Kate and Ashley, American Girl, Levi's, Hilary Duff, Robinsons May, Macys, Mervyns, Girl Scouts, Sparklets Drinking Water, Kohls, at pati na rin sa mga commercials sa telebisyon tulad ng Chevrolet, The Dog, Kellogs, Zellers, Marshalls, and McDonald's.

Isa ring TV star si Jasmine na napanood sa TV shows sa U.S. tulad ng Disney's That's So Raven at ng Touchstone Pictures' My Wife and Kids, starring Damon Wayans.

Hinawakan din niya ang mga titulo bilang Ms. Hawaiian Tropic at Ms. Royal Essence.

Katatapos lang din niyang mag-shoot para sa pilot episode ng Disney sitcom na House Broken, spin-off ng Disney's The Suite Life of Zach and Cody, starring Brian Stepanek.

May semi-regular role din siya sa primetime show ng ABC na The Nine at guest role sa television series na Threat Matrix.

Lumabas na rin siya sa music video ni Kanye West na Jesus Walks at sa How To Deal ni Frank J.

Nais ni Jasmine na ibahagi ang kanyang talento sa Pilipinas, at ito ay siguradong magkakaroon ng katuparan sa tulong ng kanyang mga business managers na sina Eric Pineda at ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao.

No comments:

Post a Comment