SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Friday, August 27, 2010

Angelica Panganiban Keeps Her Silence About Claudine Barretto's Accusations. Find Out Why?


Sa kabila ng bantang demanda ni Claudine Barretto laban kay Angelica Panganiban, marami ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa ring tahimik si Angelica.

Naglabas naman ng statement si Johnny Manahan o Mr. M., former head ng Star Magic ng ABS-CBN kung saan maituturing na isa sa pinakamalaking artista ngayon si Angelica, tungkol sa tangkang pagsasampa ng kaso ni Claudine at ito ang nilalaman ng kanyang maikli ngunit makahulugang pahayag niya: "Go Ahead! Sue, Claudine. Make our Day. Para bellum."

Kasunod pa nito, sinabi din ni Mr. M. na hindi sinungaling si Angelica, "She is feisty, irreverent, sometimes crude, but never a liar."

Saad pa ng star builder, "Whoever is behind the web of lies and falsehoods being spun in print, Twitter, and other media must be a very disturbed individual. I only hope this nonsense stops before it destroys the perpetrator." (read related article HERE)


Sa tanong naman kung bakit nananatiling tahimik lang si Angel sa tumitinding away sa pagitan nila ni Claudine, sinabi nito na ang tanging dahilan kung bakit hindi lumalabas si Angelica upang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga akusasyon ni Claudine ay: "what she has to say would be so compelling and devastating to Claudine's career."

Ayon kay Mr. M, ito ang dahilan kung bakit pinili ni Angelica ang "path of silence."

Dagdag pa niya, "Angelica still has compassion for Claudine and rejects all the falsehoods attributed to her."


No comments:

Post a Comment