SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Saturday, April 10, 2010

GMA-7 Still Grabs the Lead in Mega Manila TV Ratings for March 2010

Panalo pa rin ang GMA Network sa TV ratings sa viewer-rich Mega Manila ayon sa survey ng AGB Nielsen Philippines.

Last March, umabot sa 36.3% ang average overall audience share from 6:00 a.m. to 12:00 m.n. ng GMA Network sa Mega Manila, mas mataas ito ng 0.9% points sa 35.4 ng ABS-CBN.

Ang ratings performance ng primetime programs at mga bagong programs ng GMA ang major contributors sa overall success ng network sa TV ratings last March.

Kasama ang specials, 15 GMA Network programs ang napasama sa listahan ng overall Top 30 programs from March 28 - 31 according to overnight ratings.

Ang huling laban ni Manny Pacquiao kay Joshua Clottey ang nanguna sa lahat ng programs, samantalang ang dalawang telefantasya ng GMA Network na Panday Kids at The Last Prince ay included din sa Top 5 programs.

Ang bagong reality sitcom ni Michael V. na Pepito Manaloto ay pang-six sa overall ranking.

Ang kantaseryeng Diva ni Regine Velasquez ang nasa seventh place.

Ang 24 Oras ang may highest rating sa lahat ng news programs ng ABS-CBN, TV5 at GMA. Nasa eight place ito sa listahan ng Top 30 overall programs.

Nagkamit ng 26.4% average rating ang 24 Oras, lamang sa kalabang TV Patrol World na may 24.1%.

Sa News and Public Affairs programs, ang 24 Oras at Imbestigador ng GMA Network ang nakakuha sa dalawang pinakamataas na puwesto sa Top 30 list.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho, 24 Oras Weekend at Wish Ko Lang ay napasama rin sa Top 10 list.

No comments:

Post a Comment