SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Friday, June 6, 2008

"Pinagpalit Nila Ako sa Pera. Wala Syang Utang na Loob!" - German Moreno's Statement to Billy Crawford Transfer to ABS-CBN 2

Halatang naiirita si German " Kuya Germs" Moreno kapag si Billy Crawford ang tema ng usapan. Kulang na lang ay sabihin niyang ayaw niyang pag-usapan ang mga isyu tungkol sa kinasangkutan nila ng itinuring niyang alaga magmula pa noong That's Entertainment.

Hindi lingid sa showbiz circles ang sama ng loob ni Kuya Germs kay Billy dahil sa paglipat ng huli sa ABS-CBN bilang host ng second season ng Pinoy Dream Academy (PDA) at ng musical-variety show na ASAP '08.

"Wala na akong gaanong masasabi pa tungkol diyan. Ang masasabi ko lang, masakit dahil ipinagpalit nila ako sa pera," simula ni Kuya Germs.

Hangga't maari ay ayaw na sanang magsalita pa ni Kuya Germs. Tila umiiwas na siya sa isyu dahil nga alam niyang emosyonal siya't baka hindi na siya makakontrol kung magsasalita siya. Pero paminsan-minsan, hindi siya makaiwas na hindi magbigay ng komento.

"
Wala siyang utang na loob. Huwag na sa akin, sa GMA-7 na lang. Yung sa amin, okey lang yun, kung di naman pala niya ako itinuring na parang adviser man lang, okey lang. Pero sa GMA-7, wala siyang pasintabi.

"Binigyan siya ng magandang break dito, binigyan siya ng project, ‘tapos ganoon lang na basta na lang aalis na hindi magsasabi? Nasaan ang utang na loob kung ganyan?
" malungkot na pahayag ni Kuya Germs.

Hindi rin daw tama yung pinagsasabi ni Billy sa presscon niya sa ABS-CBN. Kulang na lang ay sabihin ni Kuya Germs na sinungaling nga si Billy dahil walang katotohanan daw yung mga palusot nitong kesyo wala siyang alam na nakikipag-negotiate pala ang management niya sa Dos. Kumbaga, ibig palabasin ni Billy na sa umpisa ay hindi niya alam na magtatrabaho pala siya bilang host ng Pinoy Dream Academy.

"Lagi kong sinasabi, huwag kalilimutan ang mga taong nakatulong. ‘Yan ay lagi kong ipinaaalala sa mga batang tinutulungan ko. Dun lang kasi sa puntong yun sila puwedeng makaganti. Kahit man lang sa utang na loob, bigyan nila ng importansiya yung mga nagtitiyaga sa kanila. Nasaan naman ang respeto? Alam niyang consultant ako sa SOP, ‘tapos tatapat siya dun?" iritableng sabi ni Kuya Germs.

Maaawain naman si German Moreno. Lagi na kasi, kapag lumalapit na yung mga batang naging alibugha sa kanya in the past, agad lumalambot ang kanyang puso. Sakali bang lumapit sa kanya si Billy para humingi ng paumanhin, tatanggapin ba niya ito?

Isang mapaklang ngiti lang ang tugon ni Kuya Germs kasabay ng mabilis na pag-iling—nangangahulugang hindi pa siya handang patawarin si Billy.

No comments:

Post a Comment