SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Monday, June 2, 2008

"Hindi Ako Manggagamit. Hindi Ko Ginagamit si Judy Ann." - Claudine Barretto

Nagsalita na ang tinaguriang "Optimum Teleserye Queen" na si Claudine Barretto sa isyung ibinabato ng manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo last Sunday, June 1, sa The Buzz. Kasabay ng selebrasyon ng ninth anniversary ng The Buzz at 16th anniversary ng ABS-CBN Star Magic, finally ay sinagot na ni Claudine ang akusayon ni Alfie sa panggagamit niya diumano kay Judy Ann sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.

"Actually, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kasi kapag nagkikita kami ni Tito Alfie, okey kami, e. Parang walang problema. I don't know kung saan galing ito. Masakit yung sinasabi niya na ginagamit ko si Judy Ann because pinaghirapan ko naman kung ano meron ako. Kung anumang talento meron ako ngayon, bigay ng Diyos yun. Pinagbubuti ko. Wala akong tinatapakan na tao," pahayag ni Claudine.

Mismong si Claudine ay nabasa raw ang mga artikulong isinulat ni Alfie tungkol sa kanya.

"Dati hindi ko ginagawa 'yon, pero ngayon ginagawa ko because kailangan para maging stronger ako. Para alam ko kung paano ko dedepensahan ang sarili ko kapag inaatake ako and I... Hindi ko every day nababasa, pero may mga time na pakonti-konti nakikita ko yung mga isinusulat.

"Hindi po ako manggagamit. Hindi ko po ginagamit si Judy Ann," patuloy ni Claudine. "She's already a star. She's an actress. Iba siya, iba ako. Ang maganda sa relationship namin ni Judy Ann, ni minsan kahit na nagtatrabaho kami here sa ABS-CBN at Star Cinema, wala siyang kinuhang project that belong to me. At wala rin akong ginagawang proyekto para sa kanya."

Pinaghihiwalay raw ni Claudine ang propersyonal at personal na pakikitungo niya kay Judy Ann. Sa huling pagkikita nila ni Judy Ann ay nagpalitan pa nga raw sila ng cell phone numbers.

Ano kaya ang dahilan at pilit silang pinagtatapat ni Judy Ann?

"Yes, siguro.... I don't know kung bakit ganito? To spice it up? Para maging maingay? Pero maraming paraan para maging maingay na hindi kailangan na may tinatapakan ka'ng tao," saad niya.

Before Claudine's interview sa The Buzz ay nauna nang nagbigay ng official statement ang Star Magic sa publiko tungkol sa mga sinulat ni Alfie sa paggamit diumano ni Claudine sa tinagurian Young Superstar kahit hindi naman daw niya ito hinihingi.

"Because talagang nandiyan sila," giit niya. "Yung relationship namin is that kahit... Alam ninyo, ang tagal kong walang kontrata. Wala akong kontarta sa Star Magic. Wala pang Star Magic, wala pang Talent Center, Ang TV pa lang, si Mr. M [Johnny Manahan]
na. Pero andito pa rin ako sa kanila."

No comments:

Post a Comment