Sunday, November 27, 2011

KC and Piolo Update: Reasons Behind KC and Piolo's Relationship Downfall Exposed

KC and Piolo Update: Reasons Behind KC and Piolo's Relationship Downfall Exposed


KC Concepcion's big revelation on "The Buzz" yesterday about the downfall of her relationship with Piolo Pascual becomes the hot topic right now not just in the four corners of showbiz but also on several social networking site.

Of course, as expected, the sexuality of Piolo is again now being questioned. Some reactions favor Piolo but most of them feel for KC.

Read part of the transcript of Boy Abunda's interview with KC Concepcion on The Buzz last Sunday, November 27, where KC officially admitted that she and PJ have already broken-up.

Boy Abunda: Derechang tanong Kristina, hiwalay na ba kayo ni Piolo Pascual, oo o hindi?

KC Concepcion: (nodded)


Boy: Bakit kayo naghiwalay para maunawaan namin?

KC: May mga hinahanap ako na napaka-basic lang na hanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalake. Ayoko na siguro pumunta sa details Tito Boy kasi ayokong siraan siya.

Pero�let�s just say na lahat talaga kaya ko. Lahat, lahat. Lahat ng�kung may anak siya tinanggap ko �yun. Tinanggap ko �yung anak niya.

Kahit may mga times na di ko siya maintindihan, tinatanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin personality niya �yun.

Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na dapat ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao.

May mga bagay na parang di ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya yung tanggapin.

At kasalanan ko rin 'to sa sarili ko Tito Boy kase siyempre ginusto ko to di ba? Gusto ko 'to di ba? So kasalanan ko rin 'to sa sarili ko kse pinaglaban ko pa eh. Ginusto ko eh. Saka sobra sobra talaga akong nagtiwala, Sobra.


Boy: May third party ba?

KC: Ayoko po siyang sagutin Tito Boy.


Boy: Kristina gaano kasakit and sakit?. How painful is painful?

KC: Sobra po.


Boy: Galit ka?

KC: Ngayon ko lang po na-realize na, opo.


Boy: Galit ka dahil? Anong nagawa sa �yo? Ano ang hindi mo kinaya at bakit ka galit?

KC: Ewan ko kung paano nangyari �yung pain at saka yung sama ng loob, naging galit, na talagang nagugulat na lang ako kasi first time ko rin na parang napapamura na rin ako. Parang hindi naman ako ganun.

And bigla na lang ako maiiyak kasi hindi pala ako ok. And then siya, parang natatawa lang siya. Kapag nakikita kong ini-interview siya, dinadaan na lang niya sa joke. Na parang ako, bakit ikaw ganyan tapos ako ganito? Bakit parang hanggang sa huli mag-isa lang ako dito?

Anong sasabihin ko sa pamilya ko? Anong sasabihin ko kay Mama na tanong ng tanong kung kami pa ba o hindi na? Kase pag sinabi kong hinde na, magtatanong sya kung bakit. Anong isasagot ko sa kanya? Anong isasagot ko sa lola ko na mahal na mahal siya? Hindi ko masabi kse eh. Hindi ko talaga Tito Boy masabi kse eh sa kahit sinong tao kung anong nangyari, dahil hindi pwede sabihin.


Boy: Dahil pag sinabi mo?

KC: Di ko talaga pwedeng sabihin.


Boy: Dahil pag sinabi mo anong mangyayari?

KC: Ayoko lang makasakit ng tao, Tito Boy.


Boy: Humingi sya ng tawad?

KC: Opo. Ganun naman po si PJ, humihingi po ng tawad. Pero ang point naman po ng pagpapatawad ng isang babae is para sana hindi na maulit. Kase hindi ka naman Tito Boy magpapatawad na iisipin mong paulit-ulit, tapos paulit-ulit ding magso-sorry.


Boy: Did he asked foe a second chance?

KC: Tito Boy binigyan ko sya ng second chance, third chance, fourth chance, fifth chance, sixth chance, seventh chance. Pagdating ng eight chance parang...parang...parang na-realize ko na hindi lahat ng problema nadadaan sa kilig. Hindi lahat ng problema nadaan sa tawa. Hindi lahat nadadaan sa kilig, kase ang galing galing nyang magpakilig.

Ang tanga tanga ko nga Tito Boy eh. Dumating lang sya sa point na...sandali lang parang di na natin inaano yung totoong nangyayari kase titingnan ka lang nya ay wala parang nakalimutan ko na lahat. Eh lagi nalang Tito Boy ganun.


Boy: Pero pagbalik mo dito sa Pilipinas, you left again. You went to the United States for a series of concert kasama mo si Piolo. So how was that lies?

KC: Sobrang challenge yun Tito Boy, sobra talaga.


Boy: Kase magulo na yun during that time.

KC: Oo, Tito Boy. Sobrang everyday talaga nung tour na yun...talagang parang test. Yung parang exam. Alam mo yun na...


Boy: Nag-uusap kayo? Sinubukan nyong pag-usapan.

KC: Nag-uusap kame.


Boy: Pero may pinupuntahan ba ang pag-uusap?

KC: PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why.

Araw-araw na nakikita ko sya, araw-araw na magkasama kame...parang tug-of-war talaga kase ito yung taong minahal ko, o mahal mo, pero sobra kong nasasaktan ngayon.

Pero mahal ko sya. Pero di na talaga pwede.

And araw-araw na magkasama kame iniisip ko dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang, ni hindi natin na-enjoy kase di na talaga gagana.


Boy: Sa palagay mo anong pagkukulang mo bilang girlfriend kay Piolo Pascual?

KC: Naniniwala naman ako na pag sinasabi ni PJ na minahal nya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan yun.

Pero masakit man sabihin, hindi ako yung...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan nya sa buhay nya? Or hindi ako yung hinahanap nya sa buhay nya. And hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan nya.


Boy: Kanina tinanong kita 'What was the best thing about that relationship, tell me 'What was the worst about that relationship'?

KC: What was the worst?...ahhmmmm...yung dahilan ng break-up namin.


To watch this full interview, click HERE.


� 2011
http://www.showbiznests.com
All Rights Reserved

No comments:

Post a Comment