Tuesday, April 19, 2011

Mikael Daez and Lia Andrea Ramos Host "World Premiere" - GMA News TV's Newest Travel Show



This Easter Sunday, April 24, ay magpi-premiere telecast na ang bagong travel show sa GMA News TV titled World Premiere na produced ng Mercator Model Management, Inc.

Ayon sa producer ng World Premiere, ang kanilang travel show ay magpapakita ng fresh approach from the usual travel show na napapanood ngayon sa TV. Hindi lang daw basta ang mga lugar, pagkain at mga tao ang kanilang i-feature. Ipapakita rin nila kung paano mag-excel ang Pinoy bilang isang artist sa mga kilalang international film festivals.

"The show also intends to pay tribute to Filipino artists who have exemplified great talent in the international arena and in effect, display Filipino social and cultural values with the rest of the world."

Para sa pilot episode ng World Premiere, daldalhin ang televiewers sa bansang Argentina kunsaan naimbitahan ang indie film na Chassis, directed by Adolf Alix Jr., sa Mar del Plata International Film Festival.

Mga highlights nga ng pilot episode ay ang exclusive interviews with Filipino and foreign actors and directors; clips of nominated films; awarding ceremonies and festival events and parties. Hindi naman mawawala ang exquisite sites, sumptuous cuisine, homegrown music and art at ang vibrant nightlife ng naturang bansa.

Ang hosts nga ng World Premiere ay ang Bb. Pilipinas-Universe 2006 na si Lia Andrea Ramos at ang commercial model-turned-actor na si Mikael Daez.

Ito ang first-ever TV show na ihu-host ni Lia after maging isang beauty queen as well as being a commercial and runway model. The 29-year old beauty queen hails from Davao City at nakatapos ng Political Science sa University of the Philippines. Hinirang rin siya as Miss Photogenic sa 2006 Miss Universe.

Nakilala rin si Lia bilang ex-girlfriend ng sikat na ngayong Brazilian-Japanese model na si Fabio Ide.

"This is a new challenge for me. Naging beauty queen na ako and I've done a lot bilang isang model. It's time to try something new and hosting is something that I like to sink my teeth in.
"Nakakatuwa because I not only host a new show but I also get to travel to different countries. It's very exciting and I get to learn a lot about different cultures. Mapapanood nila kung paano tayong mga Pinoy nagsa-stand out sa ibang bansa," ngiti pa ni Lia.

Regarding her ex-boyfriend Fabio, ayon kay Lia ay magkaibigan naman daw sila at masaya siya dahil sa tinatakbo ng career ni Fabio sa showbiz.

"Fabio and I promised that we will be good friends no matter what happens. Kahit na wala na kaming relasyon, at least ang pagiging friends ay nandoon. I am happy that he has a very successful career on television. Ipagpatuloy pa niya ang pagiging masipag niya and he will definitely go places," diin pa ni Lia.

Ang World Premiere ang ikatlong show na ni Mikael Daez. Nauna na siyang naipakilala sa Spooky Nights Presents Bampirella. Ngayon ay sisimulan na niya ang epicserye ng GMA-7 na Amaya with Marian Rivera.

"It's a new adventure for me and what's great is that we a lot of traveling and we learn something new in each travel. They will get to see different cultures and we will interact with different people from whatever country we are in. It will be a fun show for everyone," ani Mikael.

Kasama rin si Mikael sa cast ng Temptation Island ng GMA Films at Regal Entertainment. Siya ang pumalit sa role ni Paulo Avelino na nag-backout na sa movie dahil nagre-recover pa ito mula sa sakit nitong pneumonia. Ang magiging naman ni Mikael sa naturang pelikula ay si Solenn Heusaff.

World Premiere will air its pilot episode on April 24, Sunday, 11:00 to 11:30 PM on GMA News TV.


No comments:

Post a Comment