SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Monday, July 5, 2010

After the Big Twist! Agua and Bendita Come Face to Face

Hindi dapat palampasin ng mga avid Agua Bendita televiewers ang exciting episode nito this week as the twins, Agua and Bendita, after nilang magpalit ng anyo will finally come face to face.


Patuloy sa pagbibigay ng mga 'di inaasahang revelations, this week ay mapapanood na ang unexpected and most awaited confrontation nila Agua at Bendita this week. "Sa mismong location namin kung saan kami nagtetaping, ang dami na nagtatanong kung kailan ulit maghaharap sina Agua at Bendita na magkabaliktad ang anyo nila," according sa production staff ng show.

Even si Andi Eigenmann who portrays the role of both Agua and Bendita, ay 'di mapigulan ang excitement kung paano tatakbo at made-develop ang kwento nito. "Kahit po ako mismo na-eexcite sa takbo ng kwento. Ang galing lang kung papaano nagkakaroon ng koneksyon ang bawat eksena. Kaya po nabibilib po ako sa mga writers rin namin dito," the actress revealed.

'Wag papalampasin ang confrontation ng kambal sa Agua Bendita this week on ABS-CBN, weeknights after ng TV Patrol.

No comments:

Post a Comment