Friday, June 18, 2010

ABS-CBN Wants Pinoys to Patrol for The Future, Launches "Bayan Mo Ipatrol Mo"

Sumama sa pagpapatrol para sa kinabukasan ng bayan. Ano ang pagbabagong iyong sisimulan?

Ito ang hamon ng ABS-CBN sa paglulunsad ng kampanyang "Bayan Mo, iPatrol Mo" last June 15 upang i-encourage ang bawat Pilipino na maging active sa paghahatid ng solution sa mga suliranin sa lipunan.

"Ang tunay na pagpa-patrol ay hindi natatapos sa pagbabalita. Para maging ganap ang pagbabago, kailangang magsimula sa isa. Kaya sa 'Bayan Mo, iPatrol Mo,' hindi lang namin binibigyan ng boses ang karaniwang tao, sasamahan din namin siya sa pag-aalerto sa kaniyang pamayanan at sa otoridad para matugunan ang kanilang problema," according kay ABS-CBN Head of Newsgathering Chi Almario-Gonzalez.

Kasabay ng opening ng school last Tuesday, itinampok sa "Umagang Kay Ganda," "TV Patrol World," at "Bandila" ang mga estudyanteng naging simula ng pagbabago sa kanilang mga schools.

Live ding nagbabalita ang ABS-CBN News and Current Affairs mula sa iba't ibang panig ng Maynila, sa Bacolod at sa Cagayan De Oro, kung saan nagpa-register rin ang mga gustong maging volunteer ng "Bayan Mo, iPatrol Mo" at maging "Bayan Patroller."

Pati mga ABS-CBN artist like Toni Gonzaga, Jericho Rosales, at Piolo Pascual ay nag-share na rin ng kanilang munting paraan para magsimula ng pagbabago sa bayan sa mga plugs na na-air sa ABS-CBN.


Ayon sa head ng ABS-CBN News and Current Affairs na si Maria Ressa, ang "Bayan Mo, iPatrol Mo" ay pagpapatuloy ng ABS-CBN sa kanilang commitment to citiizen empowerment.


Last May election, almost 81,000 Pilipino ang nag-patrol kasama ng ABS-CBN to ensure a clean, honest and peaceful election. Almost 5,000 reports din ang ipinadala ng mga "Boto Patrollers" kaugnay ng election irregularities na ipinalabas pa sa hi-tech at malawakang "Halalan 2010" coverage ng ABS-CBN.


Tampok ang mga exclusive information na ipinadala ng mamamayan gamit ang kanilang cellphone o Internet, at iba pang balitang nakalap ng ABS-CBN, nanguna noong election day ang "TV Patrol World" sa rating na 31.5% compared sa 25% ng "24 oras" according to TNS survey.

To become a part of "Bayan Mo, iPatrol Mo," visit http://bmpm.abs-cbnnews.com. Para mag-report, itype lang ang IREPORT name, address, age, gender, your report at i-send sa 2366. You can also e-mail ireport@abs-cbn.com o mag-leave ng voice message sa (02) 411-BMPM or 411-2676.

No comments:

Post a Comment