Maliwanag pa sa sikat ng araw, La Greta defeated her younger sister Claudine in last Saturday night's "Clash of the Barretto Sisters" on Philippine TV.
Sa mga probinsya nationwide at sa buong kamaynilaan mas piniling tutukan ng Pinoy viewers ang pagbabalik Maalaala Mo Kaya (MMK) ni Gretchen compare sa first Kapuso project ni Clau. Although hinde magkatapat exactly ang kanilang timeslot (naunang ipinalabas ang "Alzheimer" episode ng Claudine pero natapat pa rin ito sa first 30-minutes run ng "Larawan" episode ng MMK) mukhang mas naging effective ang walkout drama ni Greta compare sa tampo issue ni Clau sa pagtatapat ng kanilang timeslot na naging reason diumano sa kanilang silent tampuhan.
Heto ang comparative ratings ng MMK at Claudine last April 10:
TNS National TV Ratings
MMK (ABS-CBN) - 31.4%
Claudine (GMA-7) -14.7%
AGB Mega Manila Ratings
MMK (ABS-CBN) - 21.5%
Claudine (GMA-7) -16.6%
Both programs had each own pluses and minuses, gaya ng:
1. Parehong luma ang story na tinalakay ng parehong programa. Asawa ng lalakeng maysakit na alzheimer ang role ni Claudine. Ang kwento ay parang drama version lang ng romantic comedy film nila Drew Barrymore at Adam Sandler na '50 First Dates'. Iniba lang ang ginawang way para mapaalala kay Raymart ang happy moments nilang mag-asawa.
Babaeng na-inlove naman sa isang pari ang role ni Gretchen. Sa kabila nito, naging interesting pa rin ang story dahil sa kakaibang twist na ginawa ng writer nito.
2. Pagdating sa production values, mas nangibabaw ang MMK. Halatang ginastusan sa dami ng cast na kailangan naman sa story. Pati ang location ng programa ay hinde rin tinipid. Compare sa Claudine na iilan lamang sila sa cast.
3. Pagdating sa acting. No need to question ang capacity ni Claudine na bigyan ng justice ang kanyang role. Walang effort na naibigay nya kung ano ang hinihingi sa story. Kontrolado nya ang kanyang acting. Alam nya kung kelan dapat umiyak ng todo at kelan dapat tutulo lang ang kanyang luha. Samantalang halatang hirap si Gretchen na i-deliver minsan ang kanyang dialogue dahil sa malalalim na tagalog at demanding role na kanyang ginampanan.
4. Pagdating sa ganda. Lamang din si Claudine. Dahil na rin marahil sa kanyang role na di naman sya kailangan paitimin or papangitin. Medyo awkward lang tingnan si Gretchen na parang pinilit pagmukhaing mahirap at babaeng probinsyana.
But despite all of these critiques and rating results, tama pa ring sabihin na panalo pa rin pareho sina Gretchen at Claudine dahil na-dominate ng parehong Barretto ang Saturday primetime drama slot ng dalawang biggest television station in the Philippines.
No comments:
Post a Comment