Monday, March 22, 2010

ABS-CBN Teleseryes Capture the Taste of TV Viewers Worldwide

Lalong lumalakas ang ABS-CBN sa ibang bansa dahil sa mainit na pagtanggap ng mga programa nito hindi lang ng mga Pilipino kundi ng iba pang mga lahi.

Kamakailan, ipinalabas ang "Pangako sa �Yo" sa China at naging pangalawa sa ratings laban sa mga local at foreign programs na umeere sa pinakamalaking himpilan sa bansa. Kabilang rin ito sa Top 30 list sa national weekly ranking, kung saan 2,000 channels ang naglalaban-laban sa 1.3 billion na manonood.


Sampung taon matapos kagiliwan ng mga Pinoy ang tambalang Kristine Hermosa at Jericho Rosales, pumatok pa rin ang walang-kupas na teleserye sa panlasa ng Chinese audience.

Bago sa China, nahumaling na sa love story nina Angelo at Yna ang mga taga-Malaysia, Singapore, Indonesia, Cambodia at maski ang mga taga-Africa.

Maliban sa "Pangako sa �Yo" (kilala bilang "The Promise" sa ibang bansa), marami pang mga programa ng ABS-CBN ang pinapanood ng mga banyaga dahil na rin sa pagsisikap ng International Sales and Distribution (ISD) ng ABS-CBN Global.

Ipinapalabas din sa mainland China ang "Ikaw ang Lahat sa Akin" (a.k.a. "Only You"). Hindi magtatagal, susundan ito ng "Sana Maulit Muli" (a.k.a. "Chances"), "Maging Sino Ka Man" (a.k.a. "More Than Love") at "Gulong ng Palad" (a.k.a. "Stand for Love").


Samantala, patuloy na inaabangan sa Brunei ang bawat eksena ng "Lobo" (a.k.a. "She-Wolf: The Last Sentinel"). Ito�y matapos magkamit ng magkasunod na parangal ang programa. Itinanghal na Best Telenovela ang "She-Wolf" sa 30th BANFF World Television Festival na ginanap sa Toronto, Canada. Matatandaan ring nakakuha ng nominasyon si Angel Locsin mula sa International Emmy� Awards para sa mahusay nitong pagganap sa nasabing drama series. Inaasahang lalong darami ang susubaybay sa teleserye kapag ipinalabas na ito sa Indo-China, Asia, Europe and Africa ngayong taon.


Isinasalin sa English, Turkish, Khmer, Mandarin, French at iba pang mga wika ang mga palabas ng ABS-CBN. Isa sa mga programang isinalin sa French para sa mga manonood sa Africa at Europa ay ang "Kay Tagal Kang Hinintay" (a.k.a. "La Longue Attente" sa French and "The Long Wait" sa English) Ayon sa International Sales and Distribution Head ng ABS-CBN Global na si Reena Garingan, mainit ang pagtanggap sa Africa ng mga teleserye ng ABS-CBN dahil totoong-totoo ang mga kwento�t may kaugnayan sa buhay nila. Wika ni Garingan, "Mahusay na isinasabuhay ng mga manunulat, director at aktor ng ABS-CBN ang mga mapapait na karanasan at matinding kahirapan pero sa bandang huli, naipapakitang buhay ang pag-asa�t matatapos din ang paghihirap. Sa ganong paraan, natutulungan nating mabuhayan ng loob ang mga kapatid natin sa Africa."


Mahigit isa�t kalahating dekada na ring nagpapadala ng mga de-kalidad na programa ang ABS-CBN Global sa maraming bansa. Sa ngayon, ang International Sales and Distribution group nito ang siyang pinakamalaking content distributor sa Hilagang Amerika, Europa, Australia at Asia-Pasipiko at ang nangungunang Asian distributor sa Africa.


Dahil na rin sa magandang reputasyon ng ISD, naging pangunahing speaker sa isang international content and distribution forum si Garingan sa Africa. Ito�y para talakayin ang social at ethical responsibilities ng media professionals.


Malayo na nga ang nararating ng mga teleserye ng ABS-CBN at lalo pang mamamayagpag sa buong mundo ang mga ito habang patuloy ang ISD sa pagpapalaganap ng mga programang Pilipino sa iba�t ibang bansa.

About ABS-CBN Global Ltd.

ABS-CBN Global Ltd. is the leader in providing quality news, entertainment, and other products and services for Filipinos and non-Filipinos worldwide. Its flagship product, The Filipino Channel (TFC) is the leading all-Filipino network available in cable, direct-to-home satellite, internet protocol TV, on-line audio-video streaming and mobile. Through its International Sales and Distribution division, it has also penetrated foreign markets and has become the premier source of top quality content from the Philippines. The company, through its various international subsidiaries in the US, Canada, Middle East, Europe, Australia and Japan/Asia-Pacific also has business interests in telecommunications, retail, money remittance, cargo forwarding and social networking. ABS-CBN Global Ltd. is a wholly-owned subsidiary of the Philippines' largest content provider, ABS-CBN Broadcasting Corporation.

No comments:

Post a Comment