SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Monday, July 26, 2010

Jeff Canoy Visits a "Jungle" Within The City on "The Correspondents"

Walang maayos na kalsada. Walang kuryente. Walang signal ng cellphone. Walang ospital. Walang maayos na paaralan. Sino ang mag-aakala na ang isang lugar tulad n ito ay humigit kumulang dalwampu�t limang kilometro lamang mula sa Maynila?

Ganito ang kalagayan ng Purok Canumay sa Baranggay ng San Jose sa Antipolo. Baku-bako at maputik ang mga kalsada. Ang mga residente, salat sa trabaho kaya�t pinagdidiskitahan na lamang ang mga puno sa bundok para pagkakitaan.

Walang malapit na ospital para sa mga maysakit kaya binubuhat pa sa duyan ang mga magpapagamot papunta sa bayan. Wala ding maayos na paaralan ang mga bata. Halu-halo sila sa tatalong silid aralan na meron ang purok.

Sa darating na State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy sa Lunes , Hulyo 26, hindi makakapanood ang mga taga-Canumay pero tuluyan silang nangangarap na madaanan sana sila ng daang matuwid tungo sa pagbabago na ipinangako ni Aquino.

Samahan si Jeff Canoy sa pagbisita sa mistulang walang-buhay na lugar na ito sa gitna ng kabihasnan ngayong darating na sa Martes (Hulyo 27) sa the "The Correspondents," pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment