SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Tuesday, June 3, 2008

So Who is Betty La Fea's ARMANDO?

Ilang linggo na rin ang nakalilipas pagkatapos i-announce ng ABS-CBN na ang young actress na si Bea Alonzo ang siyang gagaganap sa title role sa Yo Soy Betty La Fea. Kung matatandaan, ilang pangalan din ng Kapamilya female stars ang lumitaw na kinu-consider to play the role of Betty, kabilang na sina Valerie Concepcion, Anne Curtis, at Angel Locsin.

Ayon sa mga taga-PR deparment ng ABS-CBN, posibleng by mid-July na ito magsisimulang ipalabas, pagkatapos ng Lobo nina Piolo Pascual at Angel Locsin.

The original Betty La Fea of Colombia was dubbed and broadcasted in different countries such as India, Lithuania, Malaysia, Switzerland, Italy, Japan, China, among others. Kaya naman ang Betty La Fea na yata ang isa sa may pinakamaraming bansa na napanood at na-dub.

At ngayon, ang Kapamilya Network ang nakakuha ng rights para gawan ito ng remake sa Pilipinas.

Kung naging matagal bago ang announcement noon ng ABS-CBN kung sino ang gaganap sa role na Betty La Fea, tila gayundin ang nagaganap sa pagpili ng leading man ng naturang soap—si Armando, the smart, handsome, and educated president of Eco Moda kung saan magtatrabaho si Betty.

Last Sunday, June 1, marami ang nag-abang at naghintay sa ASAP '08 dahil ia-announce na raw kung sino ang gaganap na Armando. Pero hanggang sa matapos ang ASAP ‘08, walang pahayag na naganap.

Yesterday, June 2, hindi maiwasang maging usap-usapan ang pangyayari at kung sino nga ba talaga ang mahiwagang aktor na napili ng ABS-CBN management.

Ilang Kapamilya actors ang sinasabing matunog daw o siyang napag-uusapan na posibleng napili bilang leading man ni Bea. Kung pagbabasehan daw ang character ni Armando, definitely ay dapat na executive-looking at mas matanda ito kesa kay Bea.

Tila unanimous choice, even from the entertainment press, na si Aga Muhlach ang maging Armando. Marami ang umaasang si Aga ang ia-announce sa ASAP ‘08 last Sunday. Pero nandoon ang malaking tanong kung willing and able na ba si Aga to do a teleserye this time?

Next is Gabby Concepcion. Pero mabilis ding nabubura ang possibility of Gabby as Armando dahil alam naman ng lahat na he's now busy taping his first teleserye for the Kapamilya Network, ang Iisa Pa Lamang with Claudine Barretto.

Then, nandiyan din si Diether Ocampo na isa rin sa maituturing na leading man among the younger generation of ABS-CBN. Pero tulad ni Gabby, Diether is also part of Iisa Pa Lamang.

Hindi rin nawawala ang pangalan ni Jake Cuenca. Among the Kapamilya male stars, si Jake ang matagal nang natapos ang primetime series—ang Palos. So far, wala pang sinasabing bago niyang show. Bukod dito, may mga balita ring lumalabas that Jake's next leading lady could be Bea dahil sa sinasabing movie sa Star Cinema na pagtatambalan nilang dalawa.

Pero hindi pa man, mukhang dapat nang i-out ang pangalan ni Jake sa listahan ng mga possible Kapamilya actors na puwedeng gumanap as Armando. From a source, nakumpirma na hindi ang Betty La Fea ang next project ni Jake, but another series na ang young actor pa rin ang bida.

Ngayon, muling bumabalik ang pangalan ni John Lloyd Cruz as Armando. May mga nagsasabi kasi na sa mga young actors, John Lloyd will still fit for the role. Bukod pa rito, subok na ang tambalan nila ni Bea. May lumalabas pa raw kasi na tatapusin lang ang isinu-shoot na movie ni John Lloyd with Sarah Geronimo and after that, announcement na.

Pero meron ding lumalabas na balita na paghihiwalayin muna pansamantala sina Bea at John Lloyd bilang onscreen partners.

Sa kakaisip ng mga aktor na posibleng mag-portray ng Armando, maging ang pangalan ng Kapuso star na si Richard Gomez ay lumabas. Wala raw imposible kung ang hinahanap talaga ng Kapamilya Network ay same status of Gabby and Aga. In fact, magiging maingay pa raw ito dahil balik Kapamilya na naman ang aktor.

But then again, mukhang imposible ang analysis ng ilan about Goma dahil, at present, kasama siya sa cast ng Codename: Asero, kung saan siya ang main kontrabida ni Richard Gutierrez.

It seems the list is endless. Not until of course may announcement na ngang ibibigay ang ABS-CBN.

Ang tanong:
Kasama nga kaya sa mga nabanggit na pangalan ng mga aktor ang gaganap na Armando o may isang hindi gaanong nababanggit ang pangalan ang siya palang mapipili ng ABS-CBN?

Hopefully ay masagot na ang katanungang ito sa malapit na panahon.


Source: PhilippinePortal

No comments:

Post a Comment