SHOWBIZNEST GALLERY
SHOWBIZNEST WALLPAPER

Monday, May 19, 2008

BILLY CRAWFORD to Co-Host "ASAP '08," Aside from Hosting "Pinoy Dream Academy"

Ikinagulat ng ilang malalapit sa Fil-Am international singer na si Billy Crawford, especially the people from GMA-7, ang balitang isa siya sa magho-host ng ikalawang season ng Pinoy Dream Academy (PDA) ng ABS-CBN na nakatakdang magsimula next month. Bukod kay Billy, makakasama rin niya sa PDA sina Toni Gonzaga at Nikki Gil.

Hindi pa man humuhupa ang tensiyon sa pagitan nina Billy at mga malalapit na tao sa kanya sa GMA-7 dahil sa paghu-host niya ng PDA, kinumpirma ng isang malapit kay Billy na magiging host na rin ang international singer ng Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, ang ASAP '08. Bahagi raw ito ng exclusive contract na pipirmahan ni Billy sa ABS-CBN pagdating niya sa Pilipinas.

At press time ay nasa ibang bansa pa si Billy.

Although may nagsabi na pumirma na ng kontrata si Billy sa ASAP '08, bukod sa nauna na niyang pinirmahang kontrata para sa pagho-host ng PDA, posible raw na ipadala na lang ang mga kontrata kay Billy sa abroad o di kaya naman ay ang manager niya rito ang pumirma on his behalf.

Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Billy next week at sa kanyang pagdating, nakahanda siyang linawin ang lahat ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

No comments:

Post a Comment